.sideb
Copyrights @ Journal 2014 - Designed By Templateism - SEO Plugin by MyBloggerLab

Wednesday, January 31, 2007

problem... set

more than a month na extension sa problem set sa cs130... at di ko pa rin ginawa. meron na akong nagawang kaunti pero i'm sure na hindi pa yun enough para mabuno ang 60 points na minimum requirement para macredit yun as bonus. craaap! and i still have an exam sa geog1 tomorrow na hindi ko pa nasisimulan dahil sa pagtangkang sagutan ang problem set... mali talaga. dapat na talagang magsimula ng pagaaral... di lang talaga ako mapakali sa lu factorization. i have that feeling na di makamove on dahil gusto ko muna isettle ito? hehehe! same feeling as may gusto kang alalahanin na word tapos di ka makatulog dahil doon? hehehe! shiets!

anyway, feeling ko ay hindi na ako makakatulog o di kaya ay matutulog pero masakit ulo ko pagkagising. i don't want either feelings pero these are sacrifices you have to make dahil sa katamaran early on. hahahaha!

Monday, January 29, 2007

kaguluhan

the next few days ay tadtad ng mga schoolwork. pero mukhang manageable naman. ang mas mahirap para sa akin ang kaguluhan dito sa aming bahay. pati mga pants ko napinturahan. ano ba yun?! kaya ayoko na umuwi eh. i really feel neglected. hindi lang yan dahil sa pants ah. hehehe!


2:47 am. in this wee hour of the morning, i just realized na hindi talaga neglect ang nararamdaman ko o nagpapabother sa akin kanina. naaasar pala ako na ganon ang trato sa magulang ko at pumapayag sila na ganon ang trato sa kanila. hence, naaasar ako sa magulang ko dahil hinahayaan nila na ganon. tapos saka na lang nafeel ang neglect kasi parang nadadamay rin ako sa ganong pagtrato. parang domino effect... hay.

Friday, January 26, 2007

blog move

someone told me that there is a way for people to actually see your so called protected posts in wordpress and for that reason, i'd be saying goodbye to wordpress and major copy paste to another blog. hahaha! shiets!

Thursday, January 25, 2007

double a sa double b

nung isang araw ay napakinggan ko sa radyo yung radio program ni ali sotto at arnold clavio. hahaha! ngayon ko lang actually nagets kung bakit double a sa double b yung title nung program nila. hahaha! bobo. in fairness, nakakaaliw rin pala makinig ng am stations (pero hindi rin naman ako palakinig ng fm) na usually pinapakinggan lang para malaman kung may pasok pag binabagyo ang bansa.

yun lang! hahaha! stupid post.

Wednesday, January 24, 2007

di makatulog

dahil pinipinturahan ang sangkabahayan may apat na araw na, medyo high ako sa amoy ng pintura. ngayon ay nahihirapan akong makatulog.

isa pang dahilan kung bakit di ako makatulog ay dahil nakaidlip ako kanina sa fx from katipunan to sta lu. buti na lang, hindi ako lumagpas sa dapat kong babaan. pero ang sarap ng tulog ko doon sa fx. hehehe! sana ay hindi ako humihilik. kahiya naman sa aking copassengers. hahaha!

dahil nga hindi ako makatulog ngayon, nabagsak nanaman ako sa walang kwentang pagsusulat dito. come to think of it, 80% siguro ng posts ko, puro blabbings lang. hahaha! sa totoo lang, naiinggit ako sa blog ng ibang tao na pag binasa mo ay may mapupulot ka. siyempre, di ko naman magawa yun kasi may fear ako na i might sound too profound or preachy preachy saka wala naman sa personality ko (ata) ang maging ganon. besides, aminado naman ako na hindi talaga ako born to be a writer. singer pwede pa? (ASA!!!)

i will...

"i will make not use the back page of my papers in this exam"

"i will finish my exam in 2 1/2 hours"

"i will use a fresh sheet of paper for every problem"

ngayon lang ako nakakita ng ganyang klaseng directions sa exam. ganyan yung directions namin sa exam sa 150... cute! parang kinakausap ka ng test paper mo. hehehehe! pero kung ano ang kinacute ng pagkakalahad ng direction, siyang kinahirap ng questions sa exam. sabi ni maam clarin, madali lang daw dapat yun. pero parang walang sumasangayon sa amin sa sinabi niya.

pagkalabas namin ng room, nakita namin si steph at angel tapos sabi nila, iisa lang daw ang expression ng mga mukha namin pag lumalabas. this further proves na walang katotohanan ang sinabi ni maam clarin at sinabi rin naman niya na medyo mahirap rin daw yung identification/true or false part nung exam.

hay. kaloko talaga ang exam na iyun. sana naman ay pumasa kami. well, may sigurado na rin akong 1 point from the bonus... hahaha! favorite character ni maam clarin si winnie the pooh! hehehe!

Saturday, January 20, 2007

ulam

ika nga ni rodfrey "kanya kanyang araw lang yan..." araw ko ngayon... naulam ako... wahaha!

kanina sa pagorder ng ulam sa mang jimmy's (o mang jimmys' para kay reggie) ay inabot nanaman kami ng forever bago magdecide kung 4+1 or 7+2 ang oorderin. wahahaha! nagorder kami ng 4+1 pero in the end, nalaman namin na 7+2 lang pala ang choice namin. waste of time! wahahaha!

parang (with conyo accent) dinaanan ng bagyo ang pagkain. akala namin, andami naming inorder (with colomacci accent) pero sapat lang pala para dahil pagod pareho ang utak (dahil sa madugong exam sa cs 165) at katawan (sa pagtahak sa mang jimmys' -- again! note the apostrophe! wahaha!) namin pagdating sa mang jimmys' (wahaha! di talaga tinigilan ang apostrophe)

matagal na ulit bago makakain sa labas kasama ang mga cs peeps... dati rati, halos every other day ay matatagpuan kami sa LB o LKB ngunit ngayon, sa LIB na matatagpuan ang mga tao (ok lang... may L at B pa rin naman ang LIB) hahaha!