.sideb
Copyrights @ Journal 2014 - Designed By Templateism - SEO Plugin by MyBloggerLab

Wednesday, May 09, 2007

intrapersonally intelligent

Your Intrapersonal Intelligence Score: 72%

Your Intrapersonal Intelligence is High

You have a great understanding of who you are, and your place in the world.
You know what path you're on. And you are excited about your future.
You're always deepening your inner knowledge and introspection. And enjoying it every step of the way.

How Does Your Intrapersonal Intelligence Rate?

wala sa oras

kung kailan natripan kong gumawa for 165 kanina... saka naman nagbrownout. nakakainis. ngayon tuloy kahit nakabukas na yung mga php codes na supposedly ay tinutuloy ko, hindi ko matuloy dahil wala na ako sa zone. hahahaha!

actually, dapat ngayon ay nasa overnight ako para gawain yung website ng acm (kahit tila wala akong matutulong) pero wala sa oras yung message na may overnight kaya di rin ako nakahingi ng permission sa magulang ko na magovernight. hahaha! at talagang may gana pa akong makigawa ng website eh yung 165 nga di ko matapos... labooo!

oh well... matagal nanamang di makakapagonline. ang masasabi ko lang... this week was so pointless! hahahaha! wala akong matinong nagawa. as in!

Tuesday, May 08, 2007

just like the weather

hindi ko maintindihan ang current na nararamdaman ko. hindi ko alam kung matutuwa ba ako o malulungkot sa mga nangyayari. just like the weather. hindi mo alam kung uulan ba o aaraw. hindi mo masabi kung ano ba talaga ang mangyayari. ang funny thing diyan ay ayoko ng uncertainty pero most of the time hindi rin naman ako sure.

naisip ko rin na my feelings are also affected by the weather. pag umuulan, nagpapakasenti ako. pag mainit naman galit ako. pero pinakagusto kong feeling ay yung pag tama lang ang panahon. yung mahangin na hindi masyado maaraw pero you could still feel yung init ng araw. the best. pag ganyan ang panahon, i'm in a very happy mood. minsan pa nga... in love ako sa buhay.

pero dahil umulan today, ayan nagpapakasenti ako. which brings me back to hindi ko talaga maintindihan ang nararamdaman ko. hahahaha!

Friday, May 04, 2007

hs pictures

ngayon ko na lang nakita ang mga pictures na ito!!!


fourth year retreat to baguio. sana makita niyo ako dito. mga cam whore kasi tong mga kaklase ko so goodluck na lang talaga sa akin. hehehe! this was taken after the activity called stargate. miss ko na ang magretreat. feeling ko kailangan ko ng retreat kahit na puro alone time na lang lagi ang nagaganap sa aking buhay na ito. hahaha!

kung kilala niyo si father edwin soliva, siya ang aming retreat master. dapat si father reuter (di ko alam ang spelling) pero di na ata niya kayang umakyat ng baguio sa mga panahong iyan.



ganito ang uniform namin. hindi ito apron o kurtina kahit na may apron o kurtina kayong nakita na kapareho ng tela. nababagabag ako sa kaiiklian ng skirt ni claudine baretto dun sa kanyang bagong telenovela kasi kami noon gusto namin super haba ng skirt. tapos napapagalitan kami dahil dapat mga 3-4 inches below the knee lang talaga ang haba. minsan, pag tinopak ang class adviser namin, kukuha siya ng sewing kit tapos ipapatahi sa amin para umikli yung skirt. hahahaha! bentaaa!

i sooo miss highschool. life was less complicated back then saka mas comfortable talaga ako dealing with girls. hay.

Thursday, May 03, 2007

walang magawa

kahit gustung-gusto mong tumulong sa isang kaibigan, parang wala kang magawa kung minsan. parang wala ka kasi sa position to advice dahil you have no idea what the person is going through. hindi mo pwedeng sabihin na "alam ko ang pinagdaraanan mo. makakayanan mo yan."

buti na lang kasangga mo nga pala si God... na pwede mong sabihin na in His time... everything will turn out fine. that He will never abandon you.

kaya for that person, im always behind you and tulad ng sabi mo... no matter what

"His eye is on the sparrow, and I know he watches me."

Wednesday, May 02, 2007

house marathon part 2

just finished the third season of house. actually hanggang 14th episode pa lang dahil hanggang dun lang yung dvd. siyempre, being the cheesy me, i like the episode na tinanggal yung memory nung patient dahil nagkakaheart attacks siya everytime nakikita niya yung person na in love siya with... super bitter ending. hay.

anyway... ito naman ang gusto kong lines dahil bumenta sa akin although di naman talaga siya nakakatawa.

"CHASE: There's no wrong answer. Beacuse there's no right answer.
HOUSE: Wrong. We just don't know what the right answer is."

this concludes my house marathon which means i am now moving on to other marathons. yey me! :)

btw, i just want to mention that "how i met your mother" is on ETC. HAPPINESSSSSSSS!!!

Tuesday, May 01, 2007

cool water

got a much needed summer out of town expedition to majayjay, pagsanjan. siyempre kasama ang aking beloved extended family. almost complete kami. booness lang si kuya jigs kasi his job needs him. nevertheless, masaya pa rin naman. makulit pa rin ang pamilya ko. hahaha!

ibang route ang dinaanan namin papunta doon. hindi kami dumaan ng mga expressways and stuff. sa cainta kami nanggaling tapos maya maya mga laguna signs na yung nakikita ko at nagiging zigzag na yung road. kakaiba! haahhaa! medyo scary nga lang dun sa isang part kasi may nakaharang na mga sundalo. checkpoint ata for elections. hahaha! feeling ko naman may bigla na lang sasabog doon? labo!

pagdating namin doon, narealize ko na first time kong makakaligo sa fresh water. laging sa beach or pool kasi ang aming pinupuntahan. pero this time, iba! nature trip ito! ayun so super namamangha ako sa mga falls doon. nagkagalos galos dahil sa batuhan na dinaanan para lang makarating doon sa part na may medyo mataas na falls. hahaha! pagdating namin doon, nakakita ako ng kakaibang species ng dragon fly. nakakita rin ako ng mga water strider mosquitoes (kung napanood niyo ang the tuxedo gets niyo dapat ito!) na parang walang pinatutunguhan sa kanilang buhay. hahaha!

the best part is yung super cool water. as in ANG LAMIG! parang nilagyan ng ice yung tubig. nangangatog nga ako nung umahon ako eh kasi humahagpas ang hangin. sarap. narelax talaga ako doon. saka in fairness ang linis ng tubig. you could keep your eyes open underwater and it won't hurt! o ha! ang galing! ngayon lang ako nakaranas ng ganyan besides sa tubig sa timba! hahahaha!

conclusion: i officially love fresh water! basta clean! hahahaha!