grabe! im currently addicted to chorale pieces... hahaha! currently trying to download the philippine madrigal singers' (madz) piece "what matters most!" ewan, sobrang namamangha talaga ako pag chorale piece. lalo na pag live mapapakinggan.
anyway, sort of related sa intro ko, hindi ko alam ang nararamdaman ko. parang everything happening in my life is just starting to sink in. tipong ngayon ko lang narerealize ang maraming bagay at nahihirapan ako. ewan, di ko talaga alam mangyayari sa akin this coming academic year... but i hope i would get through it kundi... di ko alam kung saan ako pupulutin. ang masasabi ko lang ay... hay...
bukas mother's day na. ewan ko pero this mother's day is special for me. siyempre, hindi dahil magiging nanay na ako! (excuse me!!!) it's just that parang yung mga nangyari the past few days just proved me how much my mom and dad supports me.
kahapon kasi, i broke to them a bad news. tapos siyempre at first they were disappointed kasi hindi naman sila nagkulang sa akin ng paalala regarding that matter. pero later on, parang ok na rin sa kanila kasi alam naman nilang nahihirapan talaga ako. siyempre, i said "sorry" then my mom replied... "ok lang, as long as you remain open to us." grabe! tagos sa puso!
hayun basta i need to work harder next semester. unlike before na parang wala lang ang pagaaral talaga sa akin, this time i have my parents as my inspiration and i think that's enough to keep me going.
Physics 1) (from the Greek, φυσικός (phusikos), "natural", and φύσις (phusis), "nature") is the science of Nature in the broadest sense. Physicists study the behavior and properties of matter in a wide variety of contexts, ranging from the sub-nuclear particles from which all ordinary matter is made (particle physics) to the behavior of the material Universe as a whole (cosmology).
2) (from the Helenic, &*&@#$, (bazaek), "bagsak", and &&#*$ (acuo), "ako") is the subject of Helen in the broadest sense. Helen didn't study the behavior and properties of matter in a wide variety of contexts, ranging from the sub-nuclear particles from which all ordinary matter is made (particle physics) to the behavior of the material Universe as a whole (cosmology).
went home early today kasi i'm supposed to review for the much anticipated physics exam sa saturday... pero hayun sort of nabali wala rin kasi i wasn't able to bring the key to our house. kaasar talaga! ready na yung utak ko eh pero sarado ang bahay! mga 30 minutes ko atang inattempt na buksan yung pinto... pero wala talaga. so ang nangyari nagstay muna ako sa house ng ninong ko which is like a street away. dahil wala sa akin yung book at parang nawala na rin ako sa mood mag-aral, hindi na rin ako nakapagaral ng physics dun. later magaaral ako... kailangan talaga kasi naghahabol ako ng grade.
bwisit talagang susi yan! nawala talaga ako sa focus! tapos tomorrow parang di pa rin ako makakaaral kasi i'm going to kate's birthday. buti pinayagan ako kahit school day the following day. sa house lang naman niya kami magkikita. baka magbuhos ako ng problema sa buhay dun. matagal tagal na rin kaming hindi nagkikita eh. last time i saw them.... hmm... christmas pa!!! sobrang tagaaaal naaaaa!
anyway... naaasar talaga ako susi! as in... gusto kong magpagawa ng 100 duplicates! naninira kasi ng plano sa buhay eh! oh well... wala na akong magagawa... maya maya baka mag-aral na rin ako.... haaay....
grabe! it's as if hindi pa marami ang pinagkakaabalahan ko at heto, tumanggap nanaman ako ng bagong hamon... pero kasi... ayaw ko sanang palampasin ang pagkakataon. matagal ko kasing hinintay ang pagkakataong ito. napaka fulfilling kasi ng pakiramdam pag ginagawa ko yung inoffer sa akin.
sa ngayon, marami akong problemang kinakaharap sa buhay. hindi ko na alam kung paano ko pa makakayanan ang lahat. i just live one day at a time. gusto kong i-grab ang opportunity na ito para magpasalamat sa aking kaibigan. kung sino ka man, alam mong ikaw na yun. maraming salamat talaga! hindi mo alam kung gaano ko naaappreciate ang talks natin kahit na busy ka sa maraming bagay. kahit na after a long time na di tayo nagusap, isang tawag ko lang andiyan ka for me. maraming salamat talaga.
ngayon lang ako nakadama ng matinding lungkot tulad nito. kung kilala niyo ako, always talaga akong masaya at parang wala talaga akong problema sa mundo. para nga akong tanga kasi naluluha pa ako sa fx kanina. muntik na nga akong lumampas sa bababaan ko eh. pagdating sa bahay, ayun umiyak na ako. ngayon na lang uli ako umiyak after a long time. siguro nagbuild up na lang yung emotions at kanina lumabas lahat.
i need to talk to a friend. someone whom i've known for a looooooooooooooong time. someone who knoooooooooooooows me. someone who would understaaaaaaaaaaaaaaaaaaand me. i hope she's home. :'c
wala kaming klase ngayon sa physics dahil walang kuryente. ang creepy nga nung corridors kanina eh. parang anytime, may susunggab sa akin na multo or something. hehe! dahil walang klase, naisipan kong pumunta ng tambayan ng eng'g soc dahil may isusulat dapat ako sa logbook namin.
so from physics naglakad ako papuntang eng'g. pero pagdating ko ng tambayan, may mga unknown people na nandon. feeling ko mga freshies sila and some of them ay nandon together with parents. hindi ko alam kung bakit sila nandon pero baka may activity ang freshies today. sooo, hindi na lang ako tumuloy sa tambayan.
lumiko na lang ako papunta ng washroom sa third floor tulad ng dati kong ginagawa nung applicant pa lang ako sa eng'g soc kung ayaw ko munang tumambay because of certain reasons. after ko pumunta ng washroom, i decided to go to the computer center para mag... computer! haha! ano pa nga ba ang gagawin sa computer center?! stupid!!! haha! so ayun, dumaan ako sa likod ng eng'g at nakarating ng computer center pero sarado pa siya as i expected. hello?! ang aga aga kaya! 7:35 am?! what do you expect?! hahaha! dahil dito nagisip nanaman ako ng bagong mapupuntahan. naisip kong tumambay sa vinzons. mag e-eight na kasi.
so ayun, from computer center, nagstart na akong maglakad papuntang vinzons. medyo binabagalan ko pa nga para pagdating ko dun 8:00 na! hehe! habang naglalakad, marami akong nakitang mga tao. may mag-ama (ata) na nagshishibashi or yoga?! basta parang ganong form ng exercise ang ginagawa nila sa damuhan. may mga nagjojogging na uhm nahuhuli akong tinitignan ko sila haha! pano kasi ang cucute nila! hahaha! tipong 80% nung nakasalubong kong nagjojogging ay mga cute na tao! haha! may isa pa nga dun, chinito at alam naman nating lahat na weakness ko ang mga chinitong tao na mukhang coniotic!!! haha! *blush* pero ayun siyempre, kunwari mataray effect. inirapan ko na lang. haha! nasa may b.a. na ata ako noon nung narealize kong... shiet! 9:00 am ang bukas ng tambay sa fopc?! haha! walang kwenta ang nilakad ko... shiet! shiet! so ayun nagisip nanaman ako ng bagong mapupuntahan. at napuntahan ko ang kasalukuyang kinalalagyan ko ngayon. ang dakilang shopping center! haha!
di na ako naglakad papunta dito dahil baka mapagod na ako. may practicals pa kami mamaya sa social dance kaya dapat hindi magpagod. hayun, pagdating ko dito, computer rental ang hinanap ko at buti naman, may bukas na! haha! kamusta naman kung wala eh di san na lang ako pupulutin. so ayun, nakapagrent na ako ng computer ng mga 8:00 tapos nagcheck ako ng mail. tinry kong tignan yung mga things to do sa fopc at shiet! ang daming deadlines!!! parang lately, wala na akong sense of time. sa dami ng ginagawa... well hindi naman talaga marami ang ginagawa ko compared sa mga kakilala ko pero still, parang ang bilis lumipas ng oras. feeling ko nga march pa lang eh! hahaha! ganon ka delayed ang sense of time ko. hayyy, tapos lipad pa ang isip ko. hindi ko naman alam kung bakit! wala naman akong problemang mabigat... siguro kailangan kong magsimba. tama, kailangan kong magsimba. miss ko na Siya. hindi ko pa natupad yung panata ko this year. darn! sorry Lord!