Copyrights @ Journal 2014 - Designed By Templateism - SEO Plugin by MyBloggerLab

Sunday, October 27, 2013

Ika-Dalawampu't Pito

Ngayong araw, tinanggap ko na hindi ko kaya.  Nalilito pa rin ako kung karuwagan ba ang pag-amin na ito o pagpapahiwatig ng katapangan.

Ngayong araw, napatunayan ko na ang pusod ng ina't anak ay di napuputol.  Alam ng ina kung anuman ang pinagdaraanan ng anak.

Ngayong araw, masaya pa rin ako sa mga ipinagkaloob sa akin.  Marami pa ring maaaring ipagpasalamat at dapat ipagpasalamat.

0 comment(s) :

Post a Comment