Copyrights @ Journal 2014 - Designed By Templateism - SEO Plugin by MyBloggerLab

Tuesday, October 11, 2011

Araw ng Pasasalamat

Taon-taon, lagi akong nagpapasalamat para sa pamilya, kaibigan at mga magagandang nangyari sa buhay ko.  Ngayong taon, naisipan kong ipagpasalamat ang ilang hindi gaanong magagandang karanasan sa buhay dahil sa mga napulot na aral mula dito.

Nagpapasalamat ako sa aksidenteng tinamo ko noong 2004.  Mula dito ay natutunan kong maging matatag at ang kahalagahan ng mga simpleng bagay tulad ng pagkakaroon ng kamay.

Nagpapasalamat ako sa mga di-pagkakaintindihan.  Itinuturo nito sa akin ang kahalagahan ng pagpapatawad, pagkukumbaba at pagpapahalaga sa samahan.

Nagpapasalamat ako na umalis kami mula sa Pilipinas.  Mas napahalagahan ko ang pagiging Pilipino at nabigyan ako nito ng bagong pananaw sa mundo.

Sisikat din ang araw.  Yan ang isang kasabihan na hindi dapat limutin at dapat alalahanin at ipagpasalamat  sa araw tulad nito. :)

0 comment(s) :

Post a Comment