Copyrights @ Journal 2014 - Designed By Templateism - SEO Plugin by MyBloggerLab

Tuesday, June 14, 2011

The Biggest Loser

Dahil tapos na ang Mara Clara, hook naman kami ngayon sa The Biggest Loser Pinoy Edition. Hahaha! Nakakaadik sila panoorin magpawis at naiinggit ako na pinagpapawisan sila ng ganon kabongga. As in parang kailangan na ata mag-mop sa workout area nila sa dami ng pawis.

So far, wala pa akong bet na tao pero parang mas kampi ako sa red team. Minsan feeling ko yung trainer nila na si Chinggay ang may problema kaya wow ang losing streak nila sa challenges. Parang hindi kasi siya magaling na mag-motivate, laging nakabisungkot ang mukha. 'Di tulad nung sa blue team, parang ang gaan magtrain sa trainer nila dahil laging nakangiti. Pero kung sa bagay, depende rin siguro sa team na kino-coach ang approach ng trainer.

Nagtataka rin ako kung bakit si Sharon Cuneta ang ginawang host. Ok lang sana kung nakikita mong may progress sa physique niya eh pero parang wala naman nangyayari sa kanya. Iniisip ko tuloy kung ano mangyayari kapag patapos na ang show. Mas mataba na si Sharon sa contestant?! Laugh trip siguro yun.

In fairness, motivating itong show na ito. Isipin mo pa lang na yung mga ganon kalaki ay kayang magexercise, parang mahihiya kang hindi kumilos man lang. Kaya ngayon sa bahay, sinisimulan na uli magamit ang ellipticals. Dapat siguro gumawa rin kami ng biggest loser challenge among us three. Hahahaha! Parang tanga lang.

0 comment(s) :

Post a Comment