Copyrights @ Journal 2014 - Designed By Templateism - SEO Plugin by MyBloggerLab

Tuesday, February 15, 2011

Mara Clara

Dapat ay ginagawa ko ang assignment ko pero ang daming distractions at isa ito sa kanila.

---

New guilty pleasure!!! HAHAHA!

"Ang tunay na Del Valle ay si Cristina dahil siya si Desiree Del Valle." - Fleur

Hahahahahahaha! Katawaaaa. Masarap pa rin talaga manood ng mga serye na may api tapos magpreprevail sa dulo. Parang nananalo ka rin kasabay nila. Tapos yung galit mo sa kontra-bida ay kapantay ng langit na minsan napapaside comment ka ng "BUTI NGA SA IYO" kapag binalikan na sila ng karma.

Naperfect ng Mara Clara ang genre ng rags to riches kaya it will never grow old. Plus it takes me back to my childhood dahil super sikat niya noon. Nakikilig rin ako sa love team ni Mara at Christian pero hindi ko alam kung sa original version ay may Christian. Si Wowie ba yun? Hahaha!

Galing rin ni Mylene Dizon. Favorite scene ko ay nung binugbog si Mara tapos umiiyak/nagagalit si Susan. Huhuhu. LUHAAAA! Nadidisorient lang ako pag nakikita kong tatay na si Bobby Andrews. Hindi ba dapat nasa T.G.I.S. siya? Hahaha!

Oh well di ko na alam kung ano pang mangyayari sa kanila ngayong nahanap na nila ang diary at naibalik na sila sa nararapat nilang kalagyan... dunt dunt dunt...

2 comment(s) :