Today, I had my very first group presentation. Napikon nga ako sa partner ko kasi super nagcram kami dahil kahapon lang siya gumalaw. Sabi pa niya, itry na lang daw niya ipa-move yung presentation dahil wala daw enough time. Uhmmm ang dami kayang time na binigay sa atin, ikaw lang yung di kumilos. Ako na nga nagsolve nung problem, nagconsult at gumawa ng paper. Gagawin na lang niya ay magshow up sa presentation.
The idea is gagayahin namin ang Muppet Labs. In fairness naman kay partner siya nagisip nito. Una sabi niya kami daw yung puppets eh sabi ko sa kanya wala tayong time to memorize so totoong puppets na lang at basahin na lang natin ang script. Hahaha! Tapos siya parang natuwa sa idea. Ngayon lang ata niya narinig ang ganito eh kung sa Pilipinas sobrang gamit na gamit na.
Come today, nagpresent na nga kami. Kala ko super ready yung ibang groups pero come on! VERY DISAPPOINTING yung presentation ng iba!!! Tipong kahit high school talo presentation nila. Example, pupunta sila sa board tapos magsusulat lang sila at babasahin lang nila yung paper. Wala man lang effort to memorize some bits. Basically, kami pa yung lumabas na nangarir. Nakakabobo na di ko maintindihan. Ang lamang lang nila, kaya nilang spontaneously sumagot ng English. HAHAHA!
Tapos nakakatawa pa kasi sa gitna ng isang presentation may commotion na naganap sa isang side ng class. Tinanong ng instructor kung bakit sila nagkakagulo. Sagot naman yung student...
"I just learned that his (referring to seatmate) name is Harry Osborn. You know Spiderman, right? He's Peter Parkers best friend! That's so awesome!!!"
WHUUUT? Anong kinalaman nito sa klase natin, hijo? At ang lakas ng loob niya ishare ano? Ito namang prof, hinayaan lang. Juice ko, kung sa atin lang ay napalabas na yan ng klase. Ewan. Kulang talaga minsan sa disiplina ang kabataan dito. Kaya kung magkakaanak talaga ako, gusto ko sa Pilipinas pa rin mag-aral. Hahaha! Biglang yun pala ang point nitong lahat. Hahaha!
Blog Archive
-
▼
2009
(186)
-
▼
Nov 2009
(22)
- Presentations
- Teachers on Facebook
- Good Morning World
- Ramble Ramble
- Nosebleed
- It's Beginning To Look A Lot Like Christmas
- Skyping
- Mr. Bus Driver
- Sound Trip
- Viewer Discretion 1
- Sweetpea Another
- Tree Killer
- It's Just A Ride
- Apat na Taon ng Storya
- C'est beau-keh
- Tagalog ng Asymptote
- The Randomness of People
- Can't Help But Smile
- French Monitor
- Listen
- Solution to my Problems
- Trick or Treat
-
▼
Nov 2009
(22)
Powered by Blogger.
Copyrights @ Journal 2014 - Designed By
Templateism
- SEO Plugin by
MyBloggerLab
0 comment(s) :
Post a Comment