Copyrights @ Journal 2014 - Designed By Templateism - SEO Plugin by MyBloggerLab

Tuesday, December 13, 2005

an underdog story

sa totoo lang hindi ko inaasahan ang mga pangyayari kahapon. noong una confident pa ako pero nung may narinig akong nagprapractice dun sa 4th floor, bigla akong pinanghinaan ng loob. mas lalo akong pinanghinaan ng loob nung namoblema kami kasi parang tumaas yung tunog ng keyboard at nung nasa backstage na kami at ang dami na naming naririnig na nagrerehearse na ibang orgs. sabi ko nga kay ate miriam, "grabe! naririnig mo ba sila" sagot sa akin ni ate miriam "oo nga eh, hindi ko inakalang ganito ka-seryoso ito." pero ang pinaka nakakapanghina ng loob noon ay nung performance na talaga namin. para kasing nilamon ng theater ang boses namin. feeling namin ang hina kasi wala man lang reaksyon ang audience nang matapos kami. wala pang halos supporters. iilan lang sila nun? marami na siguro ang sampu.

"third place" biglang katahimikan tapos in unison the three hosts announced "UP ACES!!!" ganyan ang rinig ng tenga ko. bigla akong nagtaka dahil nagsisitalon ang mga katabi kong eng'g soc at aba, pumunta pa ng harapan at kinuha pa nila ang trophy. ano ang nangyayari?! hindi ako makapaniwala third kami!!! my ears have failed me. hanggang sa stage ba naman ay nabingi ako. "UP ENG'G SOC" pala ang totoong sinigaw ng tatlong hosts. at di pa nagtatapos dito ang storya. after iannonce lahat ng nanalo namely UP ALCHEMES who won 2nd place and UP CURSOR who won first, i saw the awitan members of eng'g soc huddling. parang may sasabihing importante si jemmy. "guys ganito isipin niyo" ang intro niya. "nilapitan ako ng judge tapos sabi niya sa akin 'ang galing niyo pero yung piece niyo lang talaga malaki ang effect dun sa score niyo...' guys para iapproach ako ng judge iba na yun!" waaaaaaaaaaaaaaaahhhhhh!!!!!!!!!! grabe na ito! walang hinto ang pagsasaya ng eng'g soc. sayang nga lang at di ako nakasama sa philcoa.

sa maaaring last year ko dito sa university, matuturi kong isa ito sa mga di ko malilimutan na pangyayari sa aking college life. lahat ng paghihirap namin ay sulit. sa totoo lang kahit di kami nanalo, sulit pa rin ang lahat.

2 comment(s) :

  1. join UP CURSOR! CURSOR SEXY!
    Momma Helen, yung party ng G10!

    ReplyDelete
  2. tama bang dito magpromote ng cursor?! hehehe! ilang beses ko ba sasabihin sa iyo na kayo na lang magasikaso... ayan tuloy... walang party. hehe! sa end na lang siguro ng nd semester... ewan! basta kayo na lang magplano!!!

    ReplyDelete